Minsan hindi ko narin alam kung anong oras na ba ako dapat matulog dahil sa split off and other things.
Grabe naman kanina. I was talking to my last customer over the phone, she was from California. I was trying to establish rapport nung tinanong ko siya na 'how is the weather in the State?' then nagulat ako na wala xang konek pero nakakagimbal: 'have you heard of the earthquake?' -- malamang, hindi, nasa shift pa kaya ako. Then, apparently, nagkwento siya and all that stuff about tsunami.
Going home, tinawagan ako ni mama. Nasa Megamall na ako nun at pinapunta daw ba ako sa Rob? Okay. Kasama ung mga wavemates ko, nilakad namin papuntang Edsa, sila sa MRT ako sa bus stop. Sa sobrang ka-utakan ko talaga, sumakay ako ng SM Fairview na bus para sana free ride papuntang Rob, since dun naman naniningil ung kundoktor. Para makababa ako, idadahilan ko na SM North un at akala ko SM ung sinakyan ko. Ampf. Pagdating sa Rob diretso ba naman siya sa tulay. Then naniningil na yung kundoktor. Magdadahilan pa sana ako or papara but too late, nakababa na ng tulay nung sinisingil na ako. Sabi ko na lang Cubao.
To cut the long misadventure short, nakarating din ako ng Rob. Namili ng stuff and dined out sa Kenny. Buti dala ko yung iPod Touch at may free Wifi access kasi dun. Kinwento ko kay mama ung event and she told me na affected din pala halos lahat ng shores natin dito na nakaharap sa Pacific.
God! So katakot. May tsunami daw. I wasn't really updated kung nangyari nga.
Ayun lang. Restday ko bukas. Sana maging productive. Good night na rin.
Thank God I'm still alive.