Bakit tuwing Friday eh parang lahat ng tao umuuwi galing sa trabaho. I mean, as in! Yung parang yung buong workforce talaga, lalo na dyan sa Ortigas! Dun lang ba sila natutulog as office nila kaya maluwag tuwing Tuesday, Wednesday at Thursday? At biglang inrush ng tao kapag uwian ng Friday?
Biglang nagpapa-OT si boss sa team kanina. Yung may mga urgent jobs daw dapat mai-OT sa weekends. Nakakapagtaka lang na bigla siyang namimilit. Since ako lang ang hindi urgent ang job, ako lang ang hindi mag-oOT. Nakakaguilty kaya.
Literally wala akong nagawa sa job ko kahapon. Nag-remeasure lang ng Load Regulation kasi OC ako na pangit yung response niya talaga sa cold temp.
Nagpalibre kami kay Jay ng pizza at kinagat niya naman. Hahaha! Oks lang mayaman naman yun, Lasallista eh. tsaka it's his birthday naman.
Wala na kaming DS Evaluation Common Mistakes training. Napalitan na ng Solution Sharing. Actually TV meeting na rin kasi nanonood sila Horibe-san at Murakami-san from Yokohama. Okay naman siya.. Kaso lang yung mga unang topics lang siguro masyadong madali. I mean kung engineer ka, dapat common sense na siya.
Lunch time usapan about office loveteams (at ex-loveteams na ang iba ay sobrang shocking) and sweldo ng mga GL.
May iniinvestigate ako na negative effect ng electronic load sa Load Regulation measurement. Medyo madugo siya at talagang napasubo pa ako kasi nagsuggest pa ng ibang setup si boss. Para daw maging 'conclusive'. Haha. Kung di ko na sana sinabi na may effect.
Si Sir Gilbert (ang diyos ng Simulation sa ROHM Philippines LOL) pinapa-simulate yung dating job ko pero cforce ang gagamitin. Ipaparerun lang daw. Medyo di naman demanding, nakasetup na kasi yun sa ginawa ko dati, pero di ko napasa sa queue lahat. So, di ako nag-shutdown ng PC.
Naguguluhan ako sa boss ko. Parang ang bait niya sakin at ako naman naguguilty na wala naman talaga akong matinong output for three days now. I mean, sa emails kasi pag kausap niya yung iba kong groupmates parang ang mga sagot niya eh 'ok', 'please compensate for this', 'we can't afford to be delayed'. Sakin, may 'thank you Josh for that information'. Meron pang 'thanks for being always on time with your jobs'. Diba? Nakakaguilty.
Nagbabasa ako ng tweets habang nasa job. Tapos nabasa ko yung tweet ni Cesca Litton na di daw siya mapakali kapag may outstanding balance sya sa credit card niya at babayaran nya agad. OC daw ba yun. Feeling ko ganun din ako sa bills na ako ang in charge. Sabi naman nung seatmate ko na si Joem, paranoia daw. Wth.
Nakaloop na forever ang 'You Never Fail' sa phone ko.
Six PM na ko umuwi kahit ala naman talaga akong ginawa after 5:30. Tumambay lang.
I feel so guilty na wala akong nagawa kahapon. Yes, sa dami ng mga yan, feeling ko wala parin akong nagawa.
No comments:
Post a Comment